Trip na trip ko talagang pumipirma sa slumbook ng kahit sino. Ang saya, isa akong bata na walang kailangang i-pleasse na tao. I just have to express myself and then I’ll effortlessly make others happy. Lalo na ‘pag mas makulit pa sayo ung mga tanong. Iba-ibang kakilala ‘yung nagpapasagot sa’yo at iba-iba rin ung mga sinasagot mo! Sakto ‘yun!
Naaalala ko nung grade schooler pa lang ako, ang purpose talacga ng ‘autograph’ book ko ay ung malaman kung sinong crush ng crusk ko. Ang corny lang, pero totoo. Minsan pa nga, gumawa ako ng personalized na ‘autograph’ para matanong ko lahat ng gusto ko—straight forward. In all fairness, nagdulot ‘yun sa akin nang mahaba-habang kaligayahan! Matagal-tagal din akong basta-bastang napapangiti tuwing naiisip ko ang mga nakasulat doon. J
Noong HS lie-low na sa mga ganoon. Sobrang baduy mo kapag gumaganon ka pa. Hindi ko na masyadong maalala, pero ang uso na yata noon ay scrapbooks—more personalized but less informative. Tsaka ano ka ba? May friendster na noon, ‘di hamak na mas ayos mag-stalk ng kahit sino through internet. Tapos bago pa ako grumadweyt, dumating si Pareng FB.
Just recently, about two weeks ago, isa sa mga kaklase ko ang naghahasik ng lagim sa pamamagitan ng pagpapa-autograph! Nasa college na kami, saan ka? J Grabe lungs. Akala ko nalaos na ang industriya ng mga ganoon. Buti na lungs mali ako. Habang nagsasagot ako ay bumabalik sa akin lahat ng kilig at panunuksong dinanas ko dati. Pamatay pa ung mga tanong sa slumbook nung kaklase ko—may mga pagpipilian at may puwang kung gusto mong magpaliwanang. Laugh trip to the highest level. Yung isa nga naming kasama gumulong sa katatawa, eh. Hindi ko na babanggiting si Narciso Calamba Villafuerte II s’ya, ah? Baka magalit, eh.
So, what’s your motto? Weeh?! :P
No comments:
Post a Comment